iyo ang bawat piyesa ko

jess
2 min readJun 25, 2024

--

By any chance, do you happen to know “Bawat Piyesa” by Munimuni? The fear of losing someone.

Imagine loving someone so deeply that the mere thought of losing them feels like losing a part of who you are.

Isn’t it amazing how love can be so beautiful yet painful at the same time? Imagine having so much love to give that you fear it’s starting to be dangerously contagious for you and your heart. But have you ever thought of what keeps on pulling you back to the person you love so much, that it hurts?

Pero ayos lang. Ayos lang kasi ikaw ‘yan, e. Kasi ganito ang nagmamahal, ‘di ba? Masakit, pero mas masakit kung walang ikaw sa bawat araw na dumaraan, at handa akong yakapin ang ano mang sakuna ang iyong dala. Kahit na ikasira ko pa. Handa akong mawasak basta’t maipapangako mo na ang bawat bahagi ng ‘yong pagkatao ay maging bahagi ng aking buhay magpakailanman.

Ano nga ba’ng gagawin kung wala ka? Kasi ako, gusto ko na sa bawat pagpikit, ay matatanaw kita sa muling pagdilat ko. Gusto ko na sa bawat galaw ko’y narito ka sa aking tabi. Paumanhin, ngunit hindi ko yata kaya ang mawala ka. Nabiktima na kasi ako ng pag-ibig mo

Dahil ikaw, ikaw lamang. Ikaw lang ang laman ng bawat tula’t awit na aking binibigkas. Sa ‘yo lang. Iyong iyo.

Posible pala ‘to, ‘no? Totoo pala talaga ang pagmamahal. Kung alam ko lang, sana’y hinanda ko ang sarili ko, dahil wala naman sa plano ko ang mahulog nang ganito kalalim sa ’yo.

Sa bawat sandali, ikaw ang aking gabay at ilaw. Sa araw-araw, sa bawat sandaling ako ay namumuhay, mahal kitang wagas. Mahal kita nang higit pa sa anumang salita ang kayang ilarawan.

Now that you came into my life, can you please be the one who stays? I know once you leave, I would look for parts of you in every person I meet.

Kaya, dito ka na lang… habambuhay.

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Free

Distraction-free reading. No ads.

Organize your knowledge with lists and highlights.

Tell your story. Find your audience.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

--

--

jess
jess

Written by jess

0 Followers

to be one with the stars

No responses yet

Write a response